Jul 24, 2009

Litratong Pinoy: Nakakakilabot



Eto ang una kong sali sa Litratong Pinoy para sa blog ko na ito. Ang lumang bahay na ito ay kuha ito sa Bohol nuong nakaraang buwan. Pagkagaling naman sa Payag Chicken House at nkapaghapunan, naglakad na lang kami pabalik sa hotel para matagtag ang aming kinain. Nang naglalakad, nakita ko ang bahay na ito at naibigang kunan ng larawan.

Napagalitan pa nga ako ng aking irog dahil kuha daw ako ng kuha ay baka kung ano ang lumabas sa larawan. Ngayon ko lang naalala, kinilabutan ako nun.

Madami pang mga nakakakilabot na larawan dito sa Litratong Pinoy.

1 comment:

  1. Kakatakot ang bahay na 'yan. Ano 'yung white spot, parang orb yata yon. Parang anytime may lalabas na white lady sa bintana.

    ReplyDelete