Aug 24, 2009

Litratong Pinoy:Merienda



Merienda ba ika mo? E di, banana cue!

Heto ang aming paboritong merienda tuwing weekends, ang banana cue. Minsan, kapag merong camote cue or turon, mas maganda. Pero dahil ayon kay Manang ay mas mabili ang banana cue, mas madalas na eto ang lagi niyang tinda. Sa halagang sampung piso, samahan ng malamig na coke o RC, ayos na ang meryenda!

O ayan, nakabalot na!

Marami pang meriendang masarap dito sa Litratong Pinoy.

12 comments:

  1. hello naku masarap din yan pero matagal na akong hindi nakakain nyan kasi wala dito sa thailand. pero pag nasa UPdiliman ako yan binibili ko sa SC.salamat sa dalaw

    ReplyDelete
  2. Oy, why not! Masarap yan. Pero pag ako kumakain niya medyo kinakayod ko muna ang asukal para mabawas bawasan naman.

    Salamat pala sa pagbisita. :)

    ReplyDelete
  3. agree masarap na meryenda yan. isa sa favorite ko yan!

    ReplyDelete
  4. matagal na akong di nakakadalaw dito ha. :-)

    at matagal na rin akong di nakakakain ng banana que. Mamaya nga titingin ako sa kanto. :-)

    ReplyDelete
  5. yum...lalo na pag may buo-buong asukal na pula! :)

    ReplyDelete
  6. miss ko na yan, kaya nagluto ako minsan dito kaso ayaw kumapit nun asukal. Yup, pipian, sa vigan mo lang siya mahahanap kaya tuwing uuwi ako ng ilocos, sinisigurado kong makakakain ako nun. salamat sa dalaw!

    ReplyDelete
  7. paborito ko ang bananacue. naalala ko tuloy nung araw dun sa kalye tahimik nagluluto ako nyan para ibenta wahahahaha!

    ReplyDelete
  8. miss ko na yan, sayang wala kasi saba :( Nagutom ako seriously di pa kasi ako nagbreakfast lol-

    ReplyDelete
  9. paborito ko rin yan.
    miss ko na yan :) penge?

    ReplyDelete
  10. gusto ko nyan, miss ko na yan, sarap! :)

    salamat sa pagbisita!

    ReplyDelete
  11. Hopping here..Hope you can visit me back..God Bless!!

    I miss the banana cue alot

    ReplyDelete