Project Wonderful

Sep 24, 2009

Litratong Pinoy: Palengke




Modelo ko ngayong Huwebes na ito ang aking kaibigang si Paul para sa temang palengke. Oo, palingkero kasi si Paul! Ha ha ha, peace! (Sige na nga, mabait at loving husband din daw yan!) Pero kaya nyo bang hulaan kung saan ang palengke na yan? Dinayo pa namin ang mga longganisang yan!

Sa unang punta namin sa Baguio nuong 2007 ay dinayo talaga namin ang palengke para bumili ng mga sariwang gulay, strawberries, walis, knitted jackets at bonnets at ang mga longganisang Vigan.

Tuwing may pinupuntahan akong bagong lugar, sinusubukang kong bisitahin ang kanilang simbahan at palengke. Dito mo daw kasi mas makikita ang the best that the place has to offer. Kesa naman mamili sa mga lugar na panturista, mas masarap mamili sa mga palengke dahil alam mong tama lang ang presyong ibibigay sa iyo.

Happy LP po!

4 comments:

  1. narinig ko lang kagabi sa balita na gumawa ang mga taga Baguio ng pinakamahabang longganisa.:P

    ReplyDelete
  2. Para syang model ng longgonisa hee hee (^0^)

    Happy LP!

    ReplyDelete
  3. Salamat sa pagdaan sa aking lahok ngayong linggo.

    Ako rin, tuwing bumabyahe, parte ng mga lugar na dapat kong puntahan ay ang simbahan at palengke.

    ReplyDelete
  4. bagio.paul.longaniza.ill remeber that when i go to baguio.

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)

    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete