Project Wonderful

Oct 30, 2009

Litratong Pinoy: Amoy


Mahilig akong kumuha ng larawan ng mga bulaklak. Pero dahil wala akong pang-amoy, hindi ko masyadong ma-appreciate ang kanilang bango. Nagkakasya na lamang ako sa kanilang pambihirang ganda. Buti na lang, sabi nila, wala naman daw amoy ang mga orkidyas na ito, so hindi naman ako masyadong lugi!




Pero paano naman kung ang mga nakunan kung bulaklak ay yung ubod talaga ng bango? Di ba, nakakainis din yun?

Tulad na lamang nitong mga bulaklak na ito, sayang lang sa akin ang bango nila. Hay, hirap talaga ng walang pang-amoy. Side effect po kasi ito ng isang operasyon sa aking sinuses. Pero di na bale, ipapadescribe ko na lang sa inyo ang bango nila. Sige nga, paano mo madedescribe sa taong walang pang-amoy ang kakaibang halimuyak ng bulaklak?



1 comment:

  1. Hi, ganda ng mga bulaklak! Ok lang, kasi karamihan sa mga iyan e wala naman talagang amoy. :)

    ReplyDelete