Project Wonderful

Oct 29, 2010

Litratong Pinoy: Ingay


Ingay ba ang hanap nyo? Kung hindi tren, e tiyak na ingay ng bumbero ang una nyong maiisip, hindi ba? Pero tuwing makakakita at makakarinig ako ng wang-wang nya sa daan ay agad akong nag-uusal ng tahimik na panalangin na sana ay walang masaktan sa sunog na kanilang pupuntahan.

Eto naman ang isa pang magaling lumikha ng ingay, ang motorsiklo! Kakaiba ang hugis at anyo niya sa karaniwang nakikita ko sa maynila, kaya kinuhanan ko siya ng larawan ng magpunta kami sa Coron. Walo ang kaya niyang isakay! At sa bigat ng dala, sadyang ang lakas ng ingay nya!

No comments:

Post a Comment