Project Wonderful

Dec 30, 2010

Litratong Pinoy: Lugar

Nitong taong 2010 ay biniyayaan kami ng mga pagkakataon na makabisita sa dalawa sa magagandang lugar sa Pilipinas. Nitong nakaraang Hulyo, buong pamilya kaming nakabiyahe at nakapagsaya sa napakagandang lugar ng Boracay. Kasama namin ang aming mga ina, ang aking kapatid at ang buong pamilya. Ilang beses na rin akong nakapunta ng Boracay, pero mas naging pinakamasaya ang dalaw ko sa lugar na ito ngayong taon dahil buong pamilya ito. Sadyang kakaiba ang ganda ng lugar na ito!
Kita naman marahil sa aming mga kuha ang ang tuwa at saya na magkakasamang namamasyal sa mala-paraisong isla ng Boracay!
Isa pang lugar na ako ay pinalad na mapuntahan ngayong taon ay ang isla ng Coron sa Palawan. Talagang napakaganda ng lugar na ito at sadyang aking ipinagmamalaki na ako ay Pilipino at ang lugar na ito ay nasa aking mahal na bansang Pilipinas.
Isa sa aking mga nais na gawin sa susunod na taon ay mabisita pa ang ibang magagandang lugar sa Pilipinas. Sa totoo nya, nakalinya na nga ang aking mga biyahe: Puerto Princesa sa Pebrero, Cagayan de Oro sa Marso at Cebu sa Agosto. Bagamat isa sa aking mga pangarap ay makabisita rin ng mga lugar sa Asya bago ako mag-35, hindi ko naman ikalulungkot na hindi ko ito magawa dahil nakakabiyahe naman ako sa mga magagandang lugar sa Pilipinas! Sana ay marating din ng iba pang mga Pilipino ang mga sadyang napakagagandang lugar dito sa atin!

1 comment:

  1. maglalamierda ka pala sa 2011! i'm sure mae-enjoy mo ang mga lugar na binanggit mo. maraming magagandang lugas Pilipinas, mababait pa ang mga tao. sana nga bago e-explore ang ibang bansa, dito muna sa atin. sabi nga, wag maging dayuhan sa sariling bayan.:p

    ReplyDelete