Mar 10, 2011

Litratong Pinoy: Kayumanggi

Ang galing talaga ng mga nilikha ng Diyos! May kakayahan silang ipagtanggol ang sarili nila kahit anung liit nila. Halimbawa ay ang mga insektong ito sa ibaba na kulay kayumanggi at hindi mo aakalaing may buhay. Mukha lamang silang sanga ng mga tayong kahoy o dahon. Natuwa ako ng makita ko ang mga insektong ito sa Butterfly Garden sa Puerto Princesa nuon lamang nakaraang linggo.Naalala ko naman ang A Bugs Life!

Ang nasa itaas na ito ay tinatawag na Dead-Leaf Mantis. Sa unang tingin, hindi mo din siya makikita hindi ba? Mayroon ding iba pang hayop katulad ng scorpion, beetle at iba sa Butterfly Garden.

No comments:

Post a Comment