Project Wonderful

Apr 29, 2011

Litratong Pinoy: Kalye

Ito ang tanawin mula sa aming opisina. Kita ko kaagad ang pinakamalaking kalye sa Pilipinas, ang EDSA. Ito ay sa kanto ng Robinsons Galleria at POEA at tanaw hanggang Crossing and Camp Aguinaldo. Kaya tuwing hapon bago mag alas singko, ako ay dumudungaw at nag-uupdate sa Twitter at Facebook kung ano ang lagay ng trapiko pra sa kapakanan ng mga kaibigan kong papauwi ng kanilang mga bahay.
Tuwing gabi, kay ganda ring pagmasdan ng kalyeng ito dahil parang parada ng pula at dilaw na ilaw ng mga sasakyan. At kitang kita rin ang lagay ng kalsada kapag may malawakang pagtitipon. Maliban sa lagay ng kalsada, tanaw ko rin ang polusyon at kung may mga sunog sa mga lugar na abot ng aking tanaw sa EDSA. Ipagpaumanhin nyo po pala ang malabong kuha ng aking cellphone.

No comments:

Post a Comment