Project Wonderful

Jun 9, 2011

Litratong Pinoy: Preno

Minsan talaga hindi mo alam kung saang planeta galing ang mga magagaling nating puclic servant! Biruin, sa hinaba-haba ng bakasyon eh kung bakit ngayon pang pasukan at magtatag-ulan nila naisipang butasin ang lahat ng kalsada at drainage sa lugar namin! At ang mga iniiwang butas ay lubhang malalim, at kung hindi ka pe-preno ay sadyang lilipad ka! Isa pa yang mga water companies na yan. Kunyari, dadaloy din daw ang ginhawa! E ngayon, puro butas na kalsada ang dumadaloy sa lugar namin e! At inabutan pa talaga sila ng tag-ulan ha so goodluck naman sa mga nagmamaneho!



Hay, minsan nga e iniisip ko kung maglakad na lang para di nalulubak ang sasakyan. Kaso, kung hindi umuulan ay sobrang init naman maglakad sa butas butas at maalikabok o maputik na daan! O siya, pe-preno na din ako sa pagsusulat at baka mamaya lang e may mamura na ako! Nakupo!

3 comments:

  1. Hay naku, gawain talaga nila yan. Kung kelan tag-ulan na, saka magkakandarapang magroad works. Labo no? that's taxes at work. =)

    ReplyDelete
  2. hahaha mapapamura ka nga talaga kapag ganito ang kalsada!

    ReplyDelete
  3. so true. hindi tagulan o pasakun lalu na pag kampaya na. naku pa bibuhan na sila.

    ReplyDelete