Project Wonderful

Jul 7, 2011

Litratong Pinoy: Liwanag

Pumunta kami sa Hinagdanan Cave sa Bohol at dahil kuweba ay madilim. Hindi kami marunong mag set ng aming mga camera para makakuha ng maayos na litrato. Mabuti na lamang at ang aming tour guide ay marunong gumamit kahit ng kaunting liwanag para makakuha naman ng mainam na larawan. Ito ang isa. Makikita din ang repleksyon ng liwanag sa tubig.
At heto pa ang isa. Nakita ko ang ibang turista na tumayo ng ganito at maganda pala ang kalalabasan dahil sa liwanag na galing sa butas sa itaas ng kuweba! Sayang at hindi kagandahan ang aking camera, pero ayos na din dahil kuha din naman ang ganda ko at ng kuweba, hindi ba? Ha ha!
Walang kokontra!

4 comments:

  1. uy napuntahan din namin yan, ganda dyan...
    eto yung shot ko nyang hinagdanan cave... :)
    http://linophotography.com/lp-pag-asa/

    ReplyDelete
  2. buti may liwanag kahit papano dito sa loob ng kweba. di ako nakapasok sa kwebang ito noong pumunta kami sa Bohol. sa sobrang antok ko, nagpaiwan ako sa van, nag-nap habang ang mga kasama ko ay bumaba sa kweba.:p

    ReplyDelete
  3. hehehe. yan ang gusto kong gawin yung pumunta sa mga kweba. parang ang gandang experience nyan.

    ReplyDelete
  4. hindi ako nakarating dyan nung nagpunta kami ng Bohol, sayang!

    baka sakaling gusto mong makita ang aking 'liwanag' :-D

    ReplyDelete