Aug 4, 2011

Litratong Pinoy: Nakabitin

Kuha ito sa ilalim ng maganda at malawak na puno ng Acacia sa Dauis Church Complex sa Bohol. Pansin mo ang mga nakabiting ilaw na gawa sa capiz? Lalo sigurong kamangha-mangha ang ilaw nito kapag gabi!
Hindi lang yan ang maganda sa Dauis. Maganda ang simbahan at ganun din ang museo at lalo na ang tanawin sa palagid nito.
Sa ilalim din ng simbahan ng Dauis makikita ang balon ng tubig na sinasabing milagroso. Oo, subukan mong puntahan minsan kapag nagawi ka sa Bohol.

1 comment: