
May kulang. Yan agad ang naisip ko pag tungtong ko pa lamang sa mala pulbos na buhangin ng Boracay. Naiwan ko sa Maynila ang
kapiraso ng aking buhay. Ang kasama ko ay ang aking mga kaibigan sa opisina at dumaan lamang kami ng Boracay pero ang talagang sadya naman sa Aklan ay dumalo sa kasal ng kaibigan naming si Vangie. At dahil galing lamang kami sa apat na araw na pagliban sa trabaho, hindi na nakasama ang aking asawang si Noel. Kaya hayun, kulang ng isang
piraso ang aking mga yapak sa buhangin.

Pero siempre, nagsaya na din ako sa Boracay dahil mga masayahing mga kaibigan naman ang kasama ko. Kaya nagulat ako na kapag ine-edit ang larawan at inilagay sa auto levels ay ganito pala kadamdamin ang lalabas na larawan! E, parang hindi naman ganun kabigat ang loob ko para kumuha ng ganito kalungkot na larawan!

Ang ganda no?
I agree ang ganda!
ReplyDeleteLP-Piraso
ang ganda nga! :)
ReplyDeletereflection of sadness but beautiful photo.
ReplyDeletesana makita ko rin ang boracay pag uwi ko.
ReplyDelete