Project Wonderful

Oct 13, 2011

Litratong Pinoy: Maasim

Ang santol ang isa na yata sa mga prutas na hindi ko nagustuhan. Maasim kasi, kahit hinog na e maasim pa din ang balat o yung parte ng laman na kinakain. E kasabay nya sa panahon ang aking paboritong prutas naman na mangga kaya hindi ko siya masyadong naibigan. Iyo na ang santol, basta akin ang mangga!
Pero alam mo ba na may masasaya din akong alaala nung bata pa ako dahil sa santol? Sa Batangas kasi ay maraming tanim na puno ang aking lolo at ang lola ko naman ay nagluluwas naman nito para itinda sa Baclaran. At kaming mga apo ang taga akyat ng puno at tag sungkit ng mga bunga. Oo, naranasan kong umakyat ng puno ng mangga (malanggam), sampaloc (manipis ang sanga pero matibay) at ang santol, nakupo, ay madaling maputol ang sanga!
At nakakalungkot lang na ang aking mga anak na laki sa Maynila ay hindi na makakaranas na umakyat ng puno at mamitas ng bunga. Dahil kapag umuuwi kami duon para magbakasyon, hindi naman sila marunong! Hay, ang mga batang laking siyudad talaga ;-p

No comments:

Post a Comment