Oct 6, 2011

Litratong Pinoy: Malinamnam

Hindi ito ang aking normal na agahan. Ako ay isang pinoy, kung kaya ang normal kung kinakain sa umaga ay pandesal at kape o sinangag, itlog at tuyo. Kaya ng mag punta sa sa Bohol para sa aming planning at teambuilding ay sinubukan ko naman ang kanilang western breakfast. At ang sarap at sadyang malinamnam!
Dahil siguro bago sa aking panlasa o sadyang masarap ang gawa ng kanila chef? Ang omelet na iyan ay halos hindi ko maubos. At ang bacon sa iba ay sadyang kakaiba! Ay talagang malutong at masarap! Isa na ito sa pinakamasarap na bacon na aking natikman!

Kung kaya't nais ko ding bumalik sa resort na ito, sa Panglao Island Nature Resort, kasama ang aking pamilya.

3 comments:

  1. hm.m..parang gusto kong subukan ang omelette na yan. mukhang masarap. maligayang LP!

    ReplyDelete
  2. Aba parang homemade ang bacon nila. Kasi ang bacon na mabili natin dyan pag niluto eh maging ang liit nalang. Nagutom na ata ako paborito ko pa naman bacon ^_^. Thanks sa alaw Dinah!

    Red Delicious

    ReplyDelete