Nov 14, 2012

Ang Paborito Kong Suman

Ito ang paborito kong suman sa buong mundo.  Naisulat ko na rin sa kabilang blog ko pano gumawa neto. Ang tawag namin sa Batangas dito ay sumang dapa.  Ang dami kasing klase ng suman duon e: malagkit, kamoteng kahoy, ube at iba iba pa.  Pero sa akin, basta suman, eto ang the best.  Kung di nga lang hihilahin ng tatay ko ang paa ko sa higaan mamayang gabi, sasabihin ko na kaya lang ako umuwi ng Batangas nung Undas ay para sa suman. Pero oo nga, bonus na magaling gumawa ng ganitong suman ang biyenan ng ate ko.  At sadyang gumagawa sila nito tuwing nauwi kami.  

Hindi naman ako lang ang umubos nyan.  Tinulungan din ako ng anak kong si Ishi at ng ate Dianne ko.  Pero kumuha pa kami, he he he.  Sarap!  Kung sana ay madaling lang gawin eto, di sana lagi kaming may suman pag may okasyon.  Pero siguro mas maganda na rin na hindi ako marunong gumawa nito, para I have something to look forward to pag-uwi ng Batangas.  Ay, kelan kaya ulit kami uuwi?

No comments:

Post a Comment