Project Wonderful

Dec 3, 2012

Kung Ano-Ano Lang...

1. Kapag natapos mo nang basahin ang isang magandang libro, nakakahinayang. Feeling mo, nandun ka kung san nagaganap ang kwento. Lalo na kung A Song of Fire and Ice ung binabasa mo (at pinapanuod sa HBO series at the same time). Kahit na ba book 2 pa lang, miss ko na agad, lalo na at di ko pa mahanap yung book 3 onwards, ha ha ha.
2. Yung kapitbahay naming barangay konsehal, nagsabit na ng Merry Christmas na tarpaulin kagabi. At, mukat-muka mo, bestfriend ko pala siya! Yun ang sabi sa tarpaulin nya e. Feeling ko lang, kakandidatong kapitan un e. Kasi, pinarepair ung lahat ng poste ng ilaw samin, pati ung isang butas na kanal. Kung mapaparepair nya lang sana yung mayayabang nyang kamag-anak e di, baka iboto ko pa siya.
3. So, marunong na ko magdrive. Ang kaso, di ako marunong magpark. So, kumusta naman yun? Sabi ng asawa ko, di ko daw ba alam ang kaliwa sa kanan? at ang bwelta sa kabig? Ummm, can I tell him I'm lito or will he shout at me again? Ha ha ha, yan ang hirap pag sa asawa nagpapaturo at hindi sa driving school e!
4. Di ba no-rice diet ako. Mga dalawang lingo na. Pero pag weekend, puede naman ang rice basta konti lang. At alam mo ba ang kapalit ng lahat ng gutom ko? Nabawasan ako ng kalahating kilong timbang! Hay, wala na bang mas madaling paraan para pumayat? Pero di ba achievement na yun kasi December ngayon at ang daming party? He he, sige pa, isip pa ng excuse!
5. So may tumawag sa king kaklase ng high school kasi daw naholdap sya, pati celpon nya tangay. At mula sa landline nya ko tinawagan sa celpon para mangutang ng 3 libo.  Ang tanong, panu nya alam number ko e wala nga daw siya sa bahay nila at nasa malapit daw kaya ako naisip nya tawagan. Ako nga di ko kabisado phone number ng ate ko e. Di kami close ha, as in since high school e 2x pa lang kmi nagkita, pero friends kmi sa FB. Anong misteryo eto.  Ay, di ko sya napautang. Naputol ung linya ng telepono nung sinabi ko na 300 lang pera ko.
6. Bakit pag bagong rebond ka at di puedeng maligo, bakit ung face mo, biglang nagiging sobrang oily? Ano to, parusa?
7. Bakit pag may sipon ang tao, parang malaking sakit na talaga? Walang lasa ang pagkain, masakit ang ulo kaka-blow ng nose at iritable kasi nga ngongo na magsalita. Hay, bakit ba ko pinanganak na sipunin?
8. Pag may Christmas light ang bahay mo, buhay na buhay ang pasko no. Kakatuwa na tinitignan ng mga bata ang ilaw. pero, one hour lang isaksak ha, mahal ang kuryente!
9. Parang summer sa sobrang init ang December na ito, pero sa ibang lugar may bagyo? Ang gulo na ng panahon, parang ung mga scheme lang ng MMDA.
10. Nakuha ko yung kalahati ng 13th month pay ko nung Thursday. Tapos, holiday nung Friday at walang pasok ng Saturday at Sunday. Pag pasok ko ng lunes, 11 pesos na lang laman ng wallet ko. Magic?
11. Gusto kong magpagawa ng hanging cabinet. So naghahanap ako ng gagawa, mga 2 linggo na. Wala. May pera pa kasi akong nakalaan para dun e. Tignan mo, pag naubos na yung pera, daming darating na karpintero.
12. Dami kong naiisip na kung ano ano lang...

No comments:

Post a Comment