Project Wonderful

Sep 4, 2013

May Tanong Ako

Araw-araw, isa ako sa mga manggagawang gumigising ng maaga, nag-aasikaso ng mga anak na papasok sa school, at pagkatapos ay magmamadali para pumasok na din sa aking trabaho. At dahil may trabaho ako, nagbabayad ako ng tamang buwis.  At, hindi nila ako tinanong kung gusto ko ba o ayaw ko ba magbayad ng buwis dahil, kinakaltas na yan ng kumpanya para ibayad sa gobyerno. At dahil dito, sa aking palagay, ay may karapatan akong magtanong.
Araw araw, sumasakay ako ng dyip o kaya ng bus papuntang Ortigas kung saan naroon ang aking trabaho. At araw-araw, dumaraan ako sa Ortigas Ave.  Pagkalampas ng Greenhills, may ginagawang kalsada.  Road widening project yata ng Mandaluyong sa gilid ng Wack-Wack golf course.  At dahil araw-araw akong dumaraan, araw-araw kong nakikita ang mga nasa larawan dito. At dahil dyan, eto ang aking mga tanong.
1. Maayos na dati ang sidewalk na ito. Kinailangang sirain para laparan ang daan. Ang tanong ko, para kanino? Dahil sa araw-araw na pagdaan ko dito, kahit nuong hindi pa ito ginagawa at sidewalk pa lamang, ay parking lot na ito ng mga sasakyan ng mga estudyante ng La Salle, at ng mga dilaw na school service.  Kung kaya mo sinira ang sidewalk ay para maging kalsada, bakit nagiging parking lot?
2. Kaninong pera ang ginagamit na pampagawa dito? Sa La Salle ba o mula ba ito sa buwis na ibinabayad ko?  Kung sa La Salle, o e di tatahimik na ko.  Pero kung galing sa buwis ko e bat di naman ako tinanong kung puede ba nila ung gamitin na pampagawa ng kalsada na gagawing parking lot para sa mga estudyante ng La Salle. Baka nga their needs are greater than mine.  Malay mo naman at baka maintindihan ko!

Alam ko din may NO PARKING sign dyan e. Hmmm, baka hindi nila alam na bawal dyan magpark no? 
At eto pa, kaninang umaga lang ko kinuhanan ng picture to, sa mismong kalsada sa tapat ng La Salle, 2 lanes ang ginawa nilang parking lot! Anong meron?  
At ang haba ng paradahan ng mga school service! Alam ko lang ha, may No Parking sign din dyan! 
Ay naku, siguro may magandang paliwanag naman to.  Naiinis lang ako na ang laki ng kaltas sa sweldo ko e nakakabalita tayo ng mga PDAF-PDAF na yan at tayo pa din pala ang magbabayad sa aircon ni Napoles! At tumaas na naman ang presyo ng bigas, gasul at krudo! Hayyyyyyyyyyyy! 



No comments:

Post a Comment