Sep 17, 2013

Sari-sari

1. Hindi ako ipinanganak na sipunin pero lagi na lang akong may sipon. No thanks sa magulong weather.  Allergies po ito, pero kiber ng mga tao.  Ang alam lang nila, lagi na lang akong may sipon.
2. Sabi ko diet ako. Umpisa un kahapon.  No rice the whole day.  Ayun, pagdating ng 5pm, parang binibiyak na ang ulo ko sa sakit e kanin pa lang ang ni-give up ko! Kapalaran ko yata talaga ang maging mataba.
3. Ang daming trabaho sa opis, ang dami kong kailangang gawin para sa school.  Pero heto ako, nagbo-blog.
4. Excited na ako sa byahe namin sa Palawan. Sana lang may pera na ako.
5. Lagi na lang akong naiinis kapag nakikita ko ung mga nakaparadang sasakyan at school service sa tapat ng La Salle Greenhills. Ni-road widening ba yun para gawing parking lot nila?
6. Tinamad na naman akong mag-gym. Oh well, what else is new.

No comments:

Post a Comment