Project Wonderful

Sep 30, 2013

Little Store On the Hill


The best Chinese lumpia I have ever had! That is how I would describe the lumpia from Little Store in San Juan.  I was able to try it first when my chinese friend in the office asked us if we wanted to order.  It is her usual food at the office where she keeps maybe 4 pieces frozen in our freezer.  She would just heat it up for lunch.  So I was curious, and I ordered 2, and I was hooked! Since then, we would always beg her to go there and buy for us, hahaha!
So last week, my husband and I went to Little Baguio and to look for the store.  It is a quaint little store, with a grocery in front, and the simple dining area tucked inside.  Of course, I ordered the lumpia and made my husband try it too! He was immediately a lumpia-convert, hahaha! We also ordered this Maki soup, and I ordered 2 more lumpias to go.  The lumpia costs only P85, and since it was near their 8pm closing time, we got a 20% discount! Not bad, huh! We will go back and try their other dishes, that's for sure!

Little Store on the Hill is located at Little Baguio in San Juan.

Sep 24, 2013

TGI Friday's Jack Daniel's Burger

We try to eat out once every payday at the office and for last payday, we decided to have lunch at Friday's.  I wanted some burger. And what a burger it was!  This mother was like 1,300 calories, but it was all worth it!
It is as yummy as it looks!  This goes to my list of food that I would have to eat again before I die, hahaha!

Sep 23, 2013

Ang Kare-Kare, Bow!

Ito ang kare-kare na niluto ni Emilie para sa amin nuong dumalaw kami sa kanya nitong Sabado.  Frustration ko ang makapagluto ng Kare-Kare kaya bilib na bilib ako sa masarap na luto nya. At tinuruan nya akong magluto, kaya susubukan ko nga itong gawin sa Sabado.  I might tell you about it, hahaha.

Sep 19, 2013

Pag Diet Ako, Ganito...

Ang daming pagkain! Kala mo may panic buying! Sabi ko no-rice diet ako, pero malay ko ba naman na lahat na ng food ay biglang rice substitutes! From the top, which is a huge loaf of bread from Pan De Amerikana, and the caramel sundae and apple pie from McDo, and the maja from the meriende peddler here at the office and the huge ensyamada from Pan De Amerikana, this doesn't feel like a diet na!  (Who am I kidding anyway?) Di naman ako pinipilit bumili, pero sadyang madali akong ayain e.  Kapalaran ko na yata talaga ang maging mataba!

Sep 17, 2013

Sari-sari

1. Hindi ako ipinanganak na sipunin pero lagi na lang akong may sipon. No thanks sa magulong weather.  Allergies po ito, pero kiber ng mga tao.  Ang alam lang nila, lagi na lang akong may sipon.
2. Sabi ko diet ako. Umpisa un kahapon.  No rice the whole day.  Ayun, pagdating ng 5pm, parang binibiyak na ang ulo ko sa sakit e kanin pa lang ang ni-give up ko! Kapalaran ko yata talaga ang maging mataba.
3. Ang daming trabaho sa opis, ang dami kong kailangang gawin para sa school.  Pero heto ako, nagbo-blog.
4. Excited na ako sa byahe namin sa Palawan. Sana lang may pera na ako.
5. Lagi na lang akong naiinis kapag nakikita ko ung mga nakaparadang sasakyan at school service sa tapat ng La Salle Greenhills. Ni-road widening ba yun para gawing parking lot nila?
6. Tinamad na naman akong mag-gym. Oh well, what else is new.

Sep 13, 2013

Cambodia!


It's been seven months since I had some travel milestones, and in just 5 months, I will Cambodia again! This time, with my BFF's and husband.  It will be their first time abroad, and I will be their guide, naks! I am sure it will be so much fun!

Busy, Busy, Busy!


Sep 4, 2013

May Tanong Ako

Araw-araw, isa ako sa mga manggagawang gumigising ng maaga, nag-aasikaso ng mga anak na papasok sa school, at pagkatapos ay magmamadali para pumasok na din sa aking trabaho. At dahil may trabaho ako, nagbabayad ako ng tamang buwis.  At, hindi nila ako tinanong kung gusto ko ba o ayaw ko ba magbayad ng buwis dahil, kinakaltas na yan ng kumpanya para ibayad sa gobyerno. At dahil dito, sa aking palagay, ay may karapatan akong magtanong.
Araw araw, sumasakay ako ng dyip o kaya ng bus papuntang Ortigas kung saan naroon ang aking trabaho. At araw-araw, dumaraan ako sa Ortigas Ave.  Pagkalampas ng Greenhills, may ginagawang kalsada.  Road widening project yata ng Mandaluyong sa gilid ng Wack-Wack golf course.  At dahil araw-araw akong dumaraan, araw-araw kong nakikita ang mga nasa larawan dito. At dahil dyan, eto ang aking mga tanong.
1. Maayos na dati ang sidewalk na ito. Kinailangang sirain para laparan ang daan. Ang tanong ko, para kanino? Dahil sa araw-araw na pagdaan ko dito, kahit nuong hindi pa ito ginagawa at sidewalk pa lamang, ay parking lot na ito ng mga sasakyan ng mga estudyante ng La Salle, at ng mga dilaw na school service.  Kung kaya mo sinira ang sidewalk ay para maging kalsada, bakit nagiging parking lot?
2. Kaninong pera ang ginagamit na pampagawa dito? Sa La Salle ba o mula ba ito sa buwis na ibinabayad ko?  Kung sa La Salle, o e di tatahimik na ko.  Pero kung galing sa buwis ko e bat di naman ako tinanong kung puede ba nila ung gamitin na pampagawa ng kalsada na gagawing parking lot para sa mga estudyante ng La Salle. Baka nga their needs are greater than mine.  Malay mo naman at baka maintindihan ko!

Alam ko din may NO PARKING sign dyan e. Hmmm, baka hindi nila alam na bawal dyan magpark no? 
At eto pa, kaninang umaga lang ko kinuhanan ng picture to, sa mismong kalsada sa tapat ng La Salle, 2 lanes ang ginawa nilang parking lot! Anong meron?  
At ang haba ng paradahan ng mga school service! Alam ko lang ha, may No Parking sign din dyan! 
Ay naku, siguro may magandang paliwanag naman to.  Naiinis lang ako na ang laki ng kaltas sa sweldo ko e nakakabalita tayo ng mga PDAF-PDAF na yan at tayo pa din pala ang magbabayad sa aircon ni Napoles! At tumaas na naman ang presyo ng bigas, gasul at krudo! Hayyyyyyyyyyyy!