Project Wonderful

Jun 24, 2014

May Karapatan Akong Magalit

Ako ay isa sa milyon-milyong mangagawa na ang suweldong kinikita buwan buwan ay bawas na ng buwis bago ko pa matanggap. Sa loob ng isang buwan, mahigit 32% ang napupunta sa kita ko sa gobyerno. Wala naman sanang problema, dahil lahat naman ng bansa ay sumisingil ng buwis sa kanilang mamamayan, maliban sa iilan-ilang oil-producing countries na sobrang yaman na at di na kailangan magbuwis dahil sobra pa ang kita sa langis panggastos sa bansa nila. Pero ang mga bansang iyon, malamang ay ginagamit ang nakolektang buwis para sa serbisyo sa mamamayan at para tustusan ang pagpapaunlad ng bansa. Iba ang kaso sa Pilipinas.  Ang mga kinasuhan dahil sa pandarambong (mas mabigat at mas matindi kesa sa pangungurakot at pangnanakaw) ay hinuli at ikinulong. Pero sila daw ay walang kasalanan, at biglang nadiskubre ang Diyos. Nagrereklamo sa mainit, masikip at maraming daga at ipis na selda, at gusto pang i-makeover na animo ay nasa bakasyon lamang! Teka, sila ang gumagawa ng batas di ba? Bakit hindi sila gumawa ng batas para magkaroon ng maayos na kulungan ang mga preso? Tapos sa kulungan nilang espesyal e may gana pang magreklamo?
Sa ibang bansa, nagre-resign ang mga opisyal ng gobyerno kapag nabahiran ang kanilang dangal. Kahit na hindi sila ang direktang may sala, sila ay bumababa sa puwesto dahil nawalan na ng tiwala ang mga tao sa kanila. Dito, dito,  at dito ay mababasa mo ang tungkol dyan. Ilan lamang yan. Pero dito sa bansa kong mahal, lahat sila ay walang kasalanan at napag-iinitan lamang. Sa isang bansang marami ang Kristiyano, di ko alam kung bakit wala man lang silang konsepto ng kahihiyan.

Hay, galit na ako ha!

No comments:

Post a Comment