

Dahil ako ay isang working mommy, minsan ay pandalas ako sa pagluluto pagdating ko ng bahay sa gabi. Pero salamat na lamang sa ihaw-ihaw at minsan ay hindi ko na kailangang magluto. At sigurado ako, maraming mommy ang agree na masarap na hapuna ito! At isa pa, tinda ito ng aking mahal na Inay, kaya't lagi kaming libre sa inihaw. Hinay-hinay nga lamang dahil kahit anong sarap, pag sobra ay masama na.
Ang ihaw-ihaw ni Inay ay masarap na hapunan o pulutan. At minsan, alas singko pa lamang ay marami ng nag-aabang. Mura lang kasi at napakasarap pa! At alam nyo ba na marami pang choices na puedeng pagpilian? At ang suka namin na sawsawan, to die for, ika nga!

At may side kwento pa pala ako. Nung kumukuha ako ng larawan para sa aking LP na lahok, lumapit ang kapitbahay namin at nagtanong kung bakit ko pinpiktyuran. Ang sabi ko ay mag-gagawa kami ng website dahil mag-ooffer na kami ng free delivery. Hi hi hi!
Naku ako ay nagihaw din kagabi...talagang masarap ano mang inihaw, lalo na may extrang sarap ng usok :)
ReplyDeletehappy lp, Dinah!
wow, magandang idea yan! Free delivery na ihaw-ihaw. Sa ngayon kasi ay wala pa akong naririnig na ihaw-ihaw business na ganyan ang concept ;)
ReplyDeleteMasarap ang inihaw na barbecue, pati na ang sauce nito. Minsan, sauce pa nga lang ay ulam na.
ReplyDeletenaku parehas tayo teh. dito sa bahay pag tinatamad kami magluto..bibili na lang sa carinderia o kaya un nga sa ihawan ng bbq. haha instant ulam :)
ReplyDeletehappy huwebest :)
aba mukhang masarap nga!
ReplyDeletesige nga pag natuloy ang baby shower, dalhan mo kame haha.. malamang ay weekend un sis
Make or Break
talagang napaclick ako sa article mo ate dinah! sarap tlga ng inihaw! pati ang usok! yun lang ang usok na gusto kong amuyin, HAHA! bukas pagkauwi ko galing school, kakain ako ng inihaw HEHE =D
ReplyDelete